Single Income Strategy

Si Rico Tunay (hindi niya tunay na pangalan) ay isang accountant sa isang kumpanya sa Pilipinas.

Dahil yun lang ang nag-iisang source of income niya, ang tawag po diyan ay Single Income Strategy.

Araw-araw, umaga hanggang gabi, kayod nang kayod si Rico.

Tired Man

Image: FreeDigitalPhotos.net

Para makabayad ng… UTANG.

Utang para sa pagkain, tubig, ilaw… at pati na rin para sa edukasyon ng mga anak ni Rico.

Kailangan kong kumayod… Maraming umaasa sa akin, buntung-hininga ni Rico, matapos siyang sabunin ng boss niya.

“Uy, anong binubulung-bulong mo diyan?” pabatok na sinabi ni Mikoy, kasamahan ni Rico sa trabaho.

Wala… napapagod lang ako minsan.

“Sure ka, Rico? Minsan?”

Okay lang… Kaya ko ‘to…

“Okay ka lang ba talaga?”

Ba’t ang KULIT mo!

“Easy lang, Rico…”

Bumalik si Rico sa mga spreadsheet at documents sa table, kahit hindi na niya naiintindihan yung binabasa niya.

Pero may kakulitan nga si Mikoy…

“Okay lang ba sa ‘yo na payamanin yang boss mo?”

Patuloy na tiningnan ni Rico ang monitor, at kunwaring di narinig ang ka-opisina.

“Okay lang ba sa ‘yo na mapagod, para lamang magbayad ng utang?”

Mas malakas pang nag-type si Rico para matabunan ang boses ni Mikoy.

“Huy! Okay lang ba talaga sa ‘yo na ang buong buhay mo ay para lamang sa iba? At wala man lang matira para sa iyo?”

Napatigil si Rico.

Naalala niya ang nanay niyang may karamdaman. Ang kapatid niyang na CS kamakailan lang na walang pambayad sa ospital.

Bigla niyang naisip ang kuya niyang hirap sa traysikel, kasi nabawasan ng kita gawa ng maulan na panahon.

Okay lang… at least may trabaho ako.

“Sinasabi mo ba yan sa akin, Rico? O sa sarili mo?”

Hindi mo nage-gets, Mikoy… simula ni Rico Tunay.

“HOY! Nagtratrabaho ba kayo o nagtsi-tsismisan?!”

Nagulat sina Rico and Mikoy. Nasa likod na pala nila si Bossing Johnny.

Nanduduro.

Naka-purple shirt. Kakulay nung ugat na nagbabantang pumutok sa bandang sentido nung nang-gagalaiting boss.

(Itutuloy…)

[facebooklike]

Single Income ka lang ba? Gusto mo bang kumita sa internet kahit super-BUSY ka? Enter your Name, Email at Phone Number sa form sa taas (bandang kanan).
Click Here para makita mo yung form.

Exclusive SWA Ultimate Bonus:
Join Team Manny Viloria today, and get Online Marketing training that works!
May training ka na, may Automated Video + Email Marketing system ka pa!